12midnight depression ||
Tuesday, September 25, 2007
madaling araw nanaman, hindi ako makatulog. sa ngayon may sipon at sinat ako. naulanan kasi nung saturday night sa concert sa skul. grabeh na `to, depression is eating me again... i've been like this for a couple of months now. araw-araw hindi makatulog unless pagurin ko sarili ko. sabi ng mga kaibigan ko tanggalin ko na ung mga bagay na nagpapahirap sakin ng ganito kasi hindi worthy. hindi ko na maintindihan sarili ko, nagtitiis ako kahit nahihirapan, nagtitiis dahil walang mapag sabihan. nag stop maglaro ng isang online game na kinahiligan ko para maging active ang lifestyle ko -- akala ko pwede na, hindi pala. mas lalo akong naging depress at feeling ko sobrang stressful bawat mga araw ko.
gusto kong humithit ng sigarilyo, lumaklak ng alak para maisabay sa paglaklak at pagbuga ng usok mga hinanakit ko. para sa bawat minutong lumilipas, nalilimutan ko mga naiisip ko. may hika ako kaya hindi ako pwede mag yosi. taena! lahat ng bawal masarap. lahat ng mabuti gawin mo pero napapasama ka -- anu ba talaga!
hindi lang sa relasyon ko nakapa focus tong depression ko, baka kasi maisip ng mga napapadaan dito sa blog ko dahil lang sa kanya (nasa tagboard) kaya ako nagkakaganito -- hindi po! marami po akong pinagdadaanan sa buhay at hindi lang sa kanya umiikot mundo ko.
taena, anu ba tong buhay ko! napapagod na talaga ako. i want everthing to come to an end. hindi ko na talaga kaya... pasenxa na blog ikaw nanaman napag diskitahan ko.
Labels: depression is killing me, much has been said