ONE YEAR NA ||
Saturday, June 30, 2007
HAPPY ANNIVERSARY miztakumi.blogspot.com !!!
weeee, nagrereview ako while watching trip na trip right now kaya eto nalang muna. hahaha. actually June 30 na pero habol pa rin ako. hihihi.
Gooodluck and God blessseseses. More visitors to come kahit visit lang. hahaha. wala lang ^^
Labels: happy Anniversary to my bloglife ^^
bakit si bodie pa!! ||
Thursday, June 28, 2007
nakaka inis! bakit si bodie pa ung hindi nasama sa big-4 ng PBB? nakaka inis! i hate wendy!!~ puro pag iinarte. oo nga prangka and totoo nga, pero wala na sa lugar minsan pag iinarte nya. ah basta~!! ayaw ko kay wendy. sayang din si nel. hay naku. nakaka pang hinayang lang.
baduy talaga ng PBB Season 2. CORNY.
Labels: lifestyle, rants, that's entertainment
HUUUUWWWAAAT!??? ||
Tuesday, June 26, 2007
last meeting, sabi ng prof namin sa Business Taxation may quiz daw, so ako naman review to the max level. nag ala` PILITA Corales ako (aw) para isiksik lahat ng definition of terms sa utak ko, good for me at may pumasok naman kahit papano.
kanina, ayan.... quiz na namin... *tug dog, tug dog* tahimik lahat eh... tapos sabay sabi ni Sir Fritz, "ok, answer pages 20-24, that will serve as ur quiz" HUWWWWAAAT!??? as in, AAANNNOOO!??
paano nalang ung nireview ko!! Oh my Goodness. so sige, sinagutan na namin ung exercises.
ang resulta!? lahat lang naman kami bagsak. sino ba naman mag-aakala, multiple choice na nga dami pa rin bumagsak. sabi ni sir, "marami ang namamatay sa maling akala", in short, kaya kami bumagsak kasi hindi namin masyado binigyan ng pansin ung topic ng quiz namin kanina. kahit prof namin, nagkakamali kanina sa kalituhan sa tamang sagot -- BONUS. yan.... marami kami nyan kanina. ahaha. hay! toxic tong araw na to! 27/60 lang din ako sa tariff review. oh well!! papel, kamusta naman kasi ang computation. daig pa calculus.
ngayon naman? namamaga paa ko. peste kasing sapatos yan! wahaha.
Labels: buhay estudyante, sakit sa ulo
back to school ||
Thursday, June 21, 2007
huwaw, ang bilis talaga ng panahon. kelan lang eh summer tapos ngayon tag-ulan at pasukan nanaman. yes!! eto gusto ko eh, ung pasukan kasi may allowance, bagong school supplies, bagong mga pananamit at kung anu-ano pa. panibagong hamon nanaman sa pakikipagsapalaran at pakikipag tunggali ng kaalaman. huling taon ko na pala sa kolehiyo. excited ako kasi sa wakas!! naramdaman ko na rin ang pagiging 4th year student. pero nakaka windang din pala, kasi mataas na lalo ang expectation sau ng mga taong nasa paligid mo. at lalong tumaas ang pressure sa sarili ko.
bagong layout kasi back to school. (nge` anong connect. ahaha) bagong design pero hindi bago ang kulay. siguro na adopt ko na kulay ng mga rakista at emo. magbabago din yan pag naisipan. hehehe.
akala ko makakatakas na ako sa mga propesor na matatanda at nakaka antok mag turo, hindi pa pala. nakakalungkot lang kasi Statistics ung subject pero parang Rizal lang ung tinuturo nya. Basa galing sa libro, tatawag ng estudyante para basahin ulit ung nasa libro at ipapaliwanag ng guro. tamang pamatay oras para mag-bell. tamang TAMAD na pamamaraan ng pag tuturo. Old School na Old school ang dating ng teacher. hehehe. ok na sana eh, kaso bisaya. ung accent hindi maawari kung anu tinutukoy ni sir. huhuhu. kawawa naman kami. tsk tsk tsk
Labels: Old School, pagod nanaman