akala ko tapos na, HINDI PA pala! ||
Tuesday, April 24, 2007
sabi ng mga kaibigan ko "hoy la na kami nababasa sa blog mo", sabi ko "baket ba!? ni hindi mo nagagawang magtag? che!", "bakit pa ako magtatag, pakelam ko dun". hahaha. ala lang, naishare ko lang., busy kasi, sa mga dumaan sa blag ko, maraming salamat po at mabuhay po kayo! (warning, long post ahead)
sa dami ng nangayari ngayong araw, hindi ko alam kung dapat ko bang simulan simula pa kaninang madaling araw pero sisimulan ko nalang. 3AM nagiisip na ako ng negatibo, mukhang kinakabahan nanaman ako sa mangyayari sa settlement ng kaso ko. 2PM nasa hall of justice na kami ng city hall. around 2.30PM ala pa ung kabilang kampo. tinawag na kami, pero since walap pa, ok lang may 2nd call pa naman. alas tres, naging last call kami, wala pa rin ung mga accusado. ang nangyari??
panibagong settlement date nanaman. in short, hindi sila sumipot sa usapan. nasa loob na kami ng tumawag sakin ung isa sa mga accusado. hindi daw sila nakapag raise ng fund na ayon sa napag usapang halaga. tanga-tanga kasi abogado nila, alam nya naman yung kakahayan ng mga kliyente nya, nakipag deal sya sa ganun na halaga. ewan ko, pero dun lang nagkakatalo. Hambog masyado abogado ng kalaban kong kampo and to that, dun sila nagkakaproblema. so un, tumawag nga sakin tapos sinasabi na i-settle nalang ang lahat outside the legal process. walang abogado, walang fiscal, kami kami nalang. i told my mom and my atty about it. pinagalitan ako ng mom ko. duh!! hindi naman ako tanga para makipag ayos ng ganun nalang, kaya nga may legal process eh. kung nag appear nalang sila kanina, e d sana tapos ang kaso. nakapag file na sana ako ng desistance ko! punyeta! panibagong hearing date nanaman. tangina, ayoko na ng ganito eh, habang tumatagal lalo lang nagiiba takbo ng pag iisip ko. nahihirapan na ako. iba yung pressure na naidudulot sakin ng lahat ng ito. ayoko na! gusto ko na matapos tong kaso and i want to move on completely. nahihirapan na ako eh, tangina minsan gusto ko na mag suicide dahil sa pressure na rin na naibibigay ng nakapaligid sakin na mga tao. lecheng buhay to.
after ng hearing, pumunta kami ng mom ko sa office para makuha na insurance ko. meron na, nairelease na pala. katangahan ko lang, naiwan ko I.D. ko para ipresent. bobo talaga.
around 7pm, i got home, nandun na pala si Philipp, naghihintay. i asked him kung kanina pa sya naghihintay sabi nya kanina pa daw. pinagpapalit na ako ng damit and everything, i told him i want to eat. sabi ko, " gusto ko mag mcdo " sabi nya, " ok, pero beh magpalit ka muna ng damit, grabeh pawis mo " ok fine. nagpalit ako and umalis na kami. bagong setup big bike nya, nanibago ako. tumaas konti, and medyo numipis ung seat. nagrereklamo ako, " beh, ang sakit sa pwet, nabawasan ung foam " ok lang yan, kulang yan sa ano... sabi ko, " LOKO ". we decided to get home, late na eh. 9PM na.
punyeta, akala ko makakapag pahinga na kami, hindi pa pala. lalo na ako pagod na talaga ako. pagdating sa bahay, pinagburn ako ng mom ko ng cd, RUSH. dadalhin daw sa province mamayang madaling araw. ako naman, OK FINE! 7 cds lang ang naburn, naubos na blanc cd ko. oh well thats life. nang matapos ako, akala ko Tapos na tlaga!. nyeta, Special delivery pa pala. nagdrive nanaman, sakay nanaman ako. sumakit nanaman pwet ko. hay!! buhay.
ganyan ka busy isang araw ko. oh bukas meron pa, susmio, sana lang hindi mainit noh!??
i want to think na lahat blessings, bawat dumadating, bawat nawawala. pero isang bagay lang hindi ko naiisip, lahat din ng dumadating at nawawala, may karampatang kapalit. hindi man napapansin, pero kung ano pa ung maliit na bagay, yun pa yung malaki ang kahalagahan. minsan sa sobrang dami ng blessings at trials na dumadating, nakukulangan ng pasasalamat. at nakukulangan din tignan ang mga bagay bagay sa ibang aspeto ng buhay.
"hindi lahat ng negatibong bagay na dumadating sa ating buhay, ay nagpapahirap at nagbibigay ng problema satin. hudyat lang ito, na minsan hikayatin natin sarili natin na umintindi ng mga bagay na hindi pabor satin. try to see things in different perspective, because not all the things you think and understand is what it really tells and compliment. and not all the good things we know, we do is always good for us."Labels: pagod nanaman, rants, scenarios, the boston drama