"Hi Dadddy!!" ||
Wednesday, July 25, 2007
kahapon sabi ng boyfriend ko, susunduin daw nya ako sa school. at first, nag dalawang isip ako. but since now lang ulit kami magkikita after 1 month, pumayag na rin ako.
it was 10.30 in the evening nung kinutuban ako, parang may hindi magandang nangyayari. bakit ganun, hindi rin ako matahimik and i asked for his cp. (i dont normally do this unless siya unang humingi ng CP ko and i will ask for his too) then i scroll down the inbox. i saw a non-registered number to his cp, with a message of
hi dadddy, mag OL kb? and " Hi Dadddy!! hirap ng test ko, ........ mag ol kba?"
i was stunned, feeling ko para nanaman akong hinampas ng monoblock sa ulo. i dont know what to say. my eyes were teary and my hands gripping so hard that i could almost hit his head until it bleed. masakit kulang nalang manakit ako. para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig and kulang nalang sabihin ko sa kanyang wala syang kwenta!
masakit para sa isang babae maniwala sa kasinungalingan at ipilit ang sarili maniwala sa kasinungalingan. bakit ganito? anu bang nagawa ko at pilit ako ginigising ng tadhana. masakit din tanggapin na hinayaan ko sarili ko maniwala sa mga lame excuses ng boyfriend ko.
then comes his excuses... "11 yrs old lang yan anu ka ba, kapitbahay namin un." si Tan ang naglalaro hindi ako" ..... matagal na akong hindi nag oonline" alibis and lies with a mad face saying "Believe me, trust me," Punyeta, bakit ba ganito!? ang tanga tanga ko! tagal tagal na nyang sinungaling and yet nandito pa rin ako.
kagabi he texted me, naka uwi na raw sya. and he can't DENY!! na tinawag nya akong "ME" as in
"Baby...bz po s review? txt me n lang po pg pwd icngit. love u mwuaah gudluck sa exam mo me mwuaah"
para akong nalulunod at pilit nilulunod. i felt nothing towards his messages. i felt nothing... i felt nothing and my heart doesn't skip a beat anymore.
Labels: rants, the boston drama, walang kwenta