back to school ||
Thursday, June 21, 2007
huwaw, ang bilis talaga ng panahon. kelan lang eh summer tapos ngayon tag-ulan at pasukan nanaman. yes!! eto gusto ko eh, ung pasukan kasi may allowance, bagong school supplies, bagong mga pananamit at kung anu-ano pa. panibagong hamon nanaman sa pakikipagsapalaran at pakikipag tunggali ng kaalaman. huling taon ko na pala sa kolehiyo. excited ako kasi sa wakas!! naramdaman ko na rin ang pagiging 4th year student. pero nakaka windang din pala, kasi mataas na lalo ang expectation sau ng mga taong nasa paligid mo. at lalong tumaas ang pressure sa sarili ko.
bagong layout kasi back to school. (nge` anong connect. ahaha) bagong design pero hindi bago ang kulay. siguro na adopt ko na kulay ng mga rakista at emo. magbabago din yan pag naisipan. hehehe.
akala ko makakatakas na ako sa mga propesor na matatanda at nakaka antok mag turo, hindi pa pala. nakakalungkot lang kasi Statistics ung subject pero parang Rizal lang ung tinuturo nya. Basa galing sa libro, tatawag ng estudyante para basahin ulit ung nasa libro at ipapaliwanag ng guro. tamang pamatay oras para mag-bell. tamang TAMAD na pamamaraan ng pag tuturo. Old School na Old school ang dating ng teacher. hehehe. ok na sana eh, kaso bisaya. ung accent hindi maawari kung anu tinutukoy ni sir. huhuhu. kawawa naman kami. tsk tsk tsk
Labels: Old School, pagod nanaman