minamalas ..... ||
Monday, August 21, 2006
hay.... this week parang sobrang hasel sakin. nakaka inis, nakaka hiya ako, at nahihiya ako para sa sarili ko. hindi ako sanay ng nakaka bastos ako or nagiging masama ako sa ibang tao. oo minsan rude and parang baliw ako pero alam mo yun, nasa lugar ako. minsan wala ako sa lugar kasi mali rin banat sakin. anyway humahaba lang eh.
nung monday or nung tuesday ata tumawag sakin ung HR galing sa isang call center, 12noon un so ok lang. pero tulog pa ako kaya sinagot ng mom ko ung call kasi sabi nya akala daw nya daddy ko from abroad. ok lang kinausap ko nalang ung phone interviewee. so lusot ako, may 2nd call pa. anak ng, 3pm naalimpungatan ako sakto tumawag ung mag iinterview ulet... ok so sinagot ko na ung call. ay anak ng, pag pindot ko biglang namatay cp ko. pucha, nakaka hiya ako. 2nd chance na nga sasablay pa ako. pa importante na nga ako eh tapos ganito mangyayari. so tumawag ulit sya, namatay nanaman. ano ba yan, sobrang nakaka inis. nakakahiya kasi kakilala pa naman ng kuya ko ung isa sa officers dun. backer? oo malamang ganun nga, pero labas un sa kwento ko. kasi d ba, phone interview un. trabaho un at lalong hindi biro un. hay.. minamalas.
lovelife nga naman.... pag minamalas.....
bago matapos ang week na to akala ko kahit papano may pampalit sa mood ko. ung baby ko wala na.. hindi na namin itutuloy ung relationship. ayoko rin lokohin sarili ko. minahal? oo. mahal? oo. ewan syempre ikaw ba naman magkaibigan kau ng more than 3 years eh, syempre concern ako. ayokong nahihirapan sya, lalo na ngayon sa health nya. he told, nabasa nya blog ko and dinelete ko nga ung post ko about him. binura ko kasi ayokong sabihin ko sa mga tao na nagmamahal ako pero wala naman akong minamahal.
pucha ang hirap. bakit ganun, akala ko ganun lang kadali bitawan ung medyo nakapag adjust ka na.. kasi natanggap ko na sya eh. pero ganun pala yun. mahirap, oo. masakit? syempre. feeling rejected? medyo. regrets? wala. masaya ako kasi finally na-accept nya rin ung totoo na hindi ganun kadali makapag move on. binalaan ko sya? uu, bago pa lang sinabi ko na sa kanya na hindi ko sya prinepressure sa relationship namin. siguro ayaw nya din magmahal ng hindi totoo kaya nauntog sya sa katotoohanan.
ang haba ng post ko ha.. kakaiba to. tagalog tapos unang confession ko.. eto na ako na to - kasi madrama na eh. (drama queen? ay ako ba yun?) haha. masyado kasi akong naging okupado sa pag hahanap ng mga sites na pwede kong ilagay sa link ko (ay tanga, mas binigyang importansya) pero ok lang,
tignan mo naman kahit papano may masasabi na akong blog ko. isang ulam na kulang sa rekado pero pag tinikman may lasa pala. sana nga may lasa ung blog ko eh.Labels: rants